Una sa Balita

Alden ‘binulag’ ng GMA

0 299

Matapos ma­ging superhero, magpakilig sa mga fan, heto at kakaibang role naman ang ibinigay ng GMA kay Alden Richards.

Well, bulag nga kasi ang karakter na gagampanan niya sa “The Gift”.

Isang panibagong challenging role para kay Alden. At ayon nga sa kuwento, hindi ipinanganak na bulag pero mabubulag ang karak­ter ni Alden sa primetime soap sa isang pangyayari.

At sa kabila ng kanyang magiging kapansanan, maghahatid siya ng inspirasyon at magdudulot ng positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Bilang paghahanda sa kanyang karakter, sumabak si Alden sa immersion sa tulong at guidance ng Resources for the Blind Incorporated, isang non-go­vernmental organization na tumutulong sa mga visually impaired.

“Mas lalo akong na-excite gawin ‘yung role. Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging bulag,” saad ni Alden.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Sana itong ‘The Gift’ will give them inspiration na kahit na bulag, kahit na walang paningin, the losing of sight puwede ka pa ring maging blessing sa ibang tao.”

Makakasama rin ni Alden sa serye sina Jean Garcia, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Rochelle Pangilinan, Jo Berry, Martin del Rosario, Divine Tetay, at Elizabeth Oropesa. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy