Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden biglang natakot kay Bea

0 209

Excited na Ang Asian Multimedia Star na si Alden Richards sa pagsisimula ng shooting nila ni Bea Alonzo.

Ang movie nila na galing sa dalawang adaptation, ang “Pure Soul” ng Japan at ang “A Moment to Remember” ng Korea.

Mixed-emotions daw ang nararamdaman ni Alden dahil finally, magsisimula na ito. Dati ay nasa wish list lang din ni Alden si Bea among actresses na gusto niyang makapareha.

As for his role, sey nito, “Wala akong natututunan kung laging do’n lang ako sa comfortable roles pero ngayon, after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang yung kaba, takot kasi hindi biro yung role.”

Co-production ng VIVA, GMA Films at APT Films ang pagsasama ng dalawa na ang balita, hihintayin pa rin naman talaga na open na talaga ang mga sinehan kapag ito ay ipinalabas.

***

Batang aktres sobrang maldita

May karugtong ang kuwento tungkol sa young star na ito na nakipag-ex-deal sa mga florist at bake shop na padalhan siya.

Pero, pinalabas ni young actress na tipong voluntary at naalala lang talaga siya ng mga ito na padalhan noong birthday niya. Ang karugtong na kuwento, stylist naman.

May shoot daw ang young actress para sa isang brand. Hiningi ng brand ‘yung measurements ng mga star na magsu-shoot para sa damit na isusuot nila.

Ang binigay raw na measurement ni young actress, ‘yung measurement niya kapag suot niya ang kanyang corset. Nang dumating na ang actual shoot at isusuot na ang damit, hindi kasya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya raw pala plakadong-plakado ang kurbada ng katawan ni young actress sa mga photo niya, lalo na sa social media. Dahil hindi sukat sa totoong measurement niya ang damit, ang ending, winasak na lang daw ang damit para magkasya.

Ang ending, may tawag ngayon, lalo na ang mga nakakakaalam ng kuwento sa young actress, si “Corsetta.”

Kuwento rin ng source namin, marami raw pala talagang kuwento sa young actress na ito kahit sa mismong serye nila. Yung title ng serye nila ay siyang-siya rin daw talaga, huh!

***

Beth Tamayo kinasal kay Adam sa US

Ikinasal uli si Beth Tamayo nitong March 3 sa America, kunsaan ay matagal na siyang naka-base.

At dahil nga pandemic, kakaiba raw talaga ang naging ceremony nila ng kasal. Sa bahay lang daw ang location nila at online. Ang napangasawa ni Beth ay si Adam Hutchinson.

Plano pa rin naman daw nilang magkaroon ng wedding celebration kapag wala nang pandemya kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Sa Facebook post ni Beth, “Getting married during the pandemic was quite an experience. Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!”

Matagal na rin sa America si Beth nang magkaroon sila ng problema ng dati niyang asawa at eventually, nagkahiwalay rin sila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.