Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden bida sa kampanya ng DOH vs coronavirus

0 561

Si Alden Richards ang napili para maging mukha ng kampanya ng Department of Health (DOH) laban sa COVID-19.

Bumida ang aktor sa infomercial mula sa health department na #BIDASolusyon.

Inisa-isa sa #BIDASolusyon ang mga safety measure para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Ang “BIDA” ay acronym ng “Bawal walang mask”, “I-sanitize ang mga kamay”, “Dumistansya ng isang metro” at “Alamin ang totoong impormasyon”.

As of July 9, nakapagtala na ang Pilipinas ng 51,754 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kabilang ang 1,314 namatay at 12,813 nakarekober. (IS)

https://twitter.com/DOHgovph/status/1280799683124670464

https://www.youtube.com/watch?v=5ruNCIwyBOk

Leave A Reply

Your email address will not be published.