Una sa Balita

Alden aakyat ng ligaw kay Maine

By
0 1,217

Naka-“businessman hat” ngayon ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Kahit naman sa mga IG stories at Twitter post niya, maging Facebook status ay very obvious na talagang naka-focused siya ngayon sa mga negosyo niya.

Halata ang excitement ni Alden sa ginagawang McDonald sa Laguna na sariling branch na niya. Kung walang delay, nabanggit ni Alden noon na Easter Sunday ang target ope­ning nila.

May karapatan naman na ma-excite at maging proud na rin si­yempre si Alden. Throwback to ten years ago, malamang sa isip niya, posible nga bang magkaroon siya ng sariling branch ng McDo? Ilang artista na rin ang nag-endorso nito, pero sila pa lang yata ni Maine Mendoza ang may sariling branch.

Eh, bukod sa McDo, maganda rin ang lagay ng ibang negosyo niya tulad ng Concha’s Garden Restaurant. Kaya walang duda na marunong hu­mawak ng pera ang actor. Naranasan na niya ang wala kaya rin alam ni Alden kung paano ingatan at palaguin ang perang kinikita.

So, magtataka pa ba kung bakit dedma lang ito kahit may ilang nega fan na inuugnay pa rin ang pangalan niya sa isyu ng Maine at Arjo Atayde romance? Kung bakit may mga nababasa kami na tila delusional fans na sinisisi si Alden kaya raw sina Maine at Arjo ang close ngayon. May nagsasabi pa nga na ipag­laban daw ni Alden si Maine.

Ano ito, inagaw ba? Huh!

Anyway, ang maganda ay parehong masaya ang dalawa at maganda ang relasyon sa isa’t isa. In fact, ang ba­lita namin, this love month ay matutuloy na ang special gues­ting ni Alden sa “Daddy’s Gurl.”

Puwede rin sabihin na balanse talaga ang mga nangyayari at ginagawa ni Alden nga­yon. Parang ngayon niya nagagawang i-enjoy ang non-stop na pagpupupuyat at lagare niya sa loob ng ilang taon.

Kamakailan lang din ay nakapag-donate pa ito ng dugo sa ginanap na bloodletting activity ng GMA network bilang si Alden din naman ay isa sa mga supporter ng Philippine Red Cross.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy