Alcoy Cebu mayor, kinasuhan

By

Pinagharap ng 12 bilang ng kasong Failure to Render Accounts ng Office of the Ombudsman si dating Alcoy Cebu Mayor Nicomedes de los Santos dahil sa kabiguan nitong i-liquidate ang mga cash advances na nagkakaha­laga ng P200,000.

Si De los Santos ay una nang napatunayang guilty sa kasong administratibo dahil sa Simple Neglect of Duty at iniutos ng Ombudsman na magmulta dahil wala na ito sa serbisyo.

Lumitaw sa imbestigasyon na mula 2006 hanggang 2011 ay hindi nag-liquidate ng kanyang mga cash advances si De los Santos kasama dito ang mga ginastos para sa pagkain, travel expenses, police operation expenses, intelligence funds, honorarium para sa mga referees sa basketball tournament at ginastos sa festival sa lalawigan.

Nilinaw ng Ombudsman na hindi na kailangan mag-demand pa ang pamahalaan para gawin ng alkalde ang responsilidad nito.

“A prior demand is not required because nowhere in the provision does it require that demand be first made before an accountable officer is held liable for a violation of the crime,” ayon sa Ombudsman.

SHARE