Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Albularyong YouTuber tinodas

0 253

Patay ang isang faith healer, na may milyon-milyong views sa YouTube, matapos barilin ng hindi pa kilalang gunman sa Naic, Cavite.

Dead on the spot sa harapan ng 7-11 convenience store sa Barangay Capt. C. Nazareno ang biktimang si Arturo Solomon, 40, isang albularyo ng Barangay Ibayo, Silangan, Naic dakong alas-7:45 kahapon ng umaga.

Inilarawan ang gunman na nakasuot ng kulay itim na sando at pulang sombrero, na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt. Richard Atienza, ng Naic Municipal Police Station, galing sa loob ng convenience store ang biktima at naglalakad patungo sa kanyang sasakyan nang lapitan ng gunman at binaril.

Kilala sa YouTube ang biktima bilang Arturo “Jesus Man” Solon dahil sa kakaiba niyang panggagamot.

Dati siyang naaresto noong Enero 2020 dahil sa reklamo ng pangmomolestiya at panggagahasa ng magkapatid sa loob ng Paradise Motel sa Brgy. Tabang, Naic. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.