Una sa Balita

Albularyong naging ‘porn star’ sa Afghanistan, hinahanting sa mga sex video

0 1,215

ISANG nagpakilalang ‘mullah’ sa Afghanistan, ang nagtatago ngayon matapos siyang hatulan ng death by stoning ng mga religious leader dahil sa kumalat na sex video.

Si Mullah Rasoon, isang traditional healer, na gumagawa din ng anting-anting sa isang nayon sa northwestern province ng Faryab, ay naakusahang nanggahasa sa maraming kababaihan na lumapit sa kanya para magpagamot kung saan ibinidyo pa niya ang pagsasamantala sa kababaihan.

Nabatid na ginamit umano ni Rasool ang vi¬deo upang i-blackmail ang mga pinagsamantalahan niyang babae.

Ang video ay kumalat sa social media nitong mga nakaraang linggo, kung saan makikita ang isang balbas saradong lalaki, na pinaniniwalaang si Rasool na nakapatong sa batang babaeng gustong magpagamot sa kanya.

Ilang netizen na nakapanood ng sex video, ang nagbansag kay Rasool na ‘Satan’ at ‘porn star.’

Dahil sa kumalat na video, iginawad ng mga religious leader ang parusang kamatayan laban kay Rasool.

Bagama’t nabiktima lang ng kamanyakan ng albularyo ang babae, nangangamba naman ang marami na nanganganib din ang buhay nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy