Una sa Balita

Albie natutong mandedma dahil kay Andi

By
0 373

Masasabi nga na naibalik na ang kinang ng bituin ni Albie Casiño. Minsang lumamlam ang karera niya matapos akusahan na siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Sa pagbisita niya sa “Magandang Buhay” kasama ang kanyang ina at kapa­tid, hindi niya itinanggi na isa iyon sa pinakamalaking pagsubok niyang hinarap.

“After all the bad times that happened, mas masaya na ‘yung mga pangyayari nga­yon. Now, we’re just always thankful na tapos na lahat ‘yun,” sabi ng bida ng “Los Bastardos.”

Choice rin talaga ng binata na hindi magsalita noong kasagsagan ng issue, dahil alam niyang lalabas din ang katotohanan.

“Since babae rin kasi, automatic ang sympathy nasa babae. Ako rin bilang lalaki I don’t wanna badmouth a female. Doon ko na po nasimulan ‘yung pag-practice ng art of dedma,” paliwanag niya.

Sabi naman ng nanay ni Albie na si Rina, naging matibay ang kanilang pamilya sa tulong na rin ng kanilang paniniwala sa Diyos.

“Having two boys, sabi ko nga, our family will stand strong together because we draw our strength from the Lord. There will be a lot of challenges, hindi mawawala ‘yun. But if you have faith, God will see us through,” sabi naman niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy