Una sa Balita

Albie naiirita kapag si Andi ang topic

By
0 741
 
Tuluyan na ngang binura ni Albie Casiño sa kanyang personal na buhay ang dating kasintahang si Andi Eigenmann. Anumang may kinalaman kay Andi ay ayaw nang mag-comment ni Albie.
 
Iba ang lifestyle ngayon ni Andi. Mas ginusto nitong iwanan ang Maynila at mamuhay nang simple sa tabing-dagat.
 
Tumanggi si Albie na mag-comment sa estado ng buhay ngayon ni Andi na mas pinili ang manirahan sa isang community sa tabing-dagat. Nang hingin ang opinyon ni Albie tungkol sa pagbabagong ­buhay ni Albie, nakagiti itong sumagot.
 
“I don’t care ­anymore what she’s ­doing to her life.”
Dating magkasintahan sina Albie at Andi, at nabalita nga noon na si Albie ang ama ng anak ni Andie, na sa huli ay napatunayan ngang hindi.
 
Sabi pa ni Albie, matagal na niyang ipinagkibit-balikat ang anumang kaganapan kay Andi. Say pa niya, gawin ni Andi ang anumang naisin niya at wala na siyang pakialam dito.
 
Anyways, kasama sa cast ng “Los Bastardos” si Albie, na mapapanood sa ABS-CBN. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy