Una sa Balita

‘Alberto’ sinalanta ng baha ang Amerika

By
0 771

PATUNGO na sa Canada ang kauna-unahang pina­ngalanang bagyo sa Atlantic hurricane season nga­yong taon, binasa ng malalakas na ulan ng bagyong ‘Alberto’ ang Southern Appalachians sa Amerika na naging dahilan ng pagragasa ng tubig at putik, at pagkaanod ng mga tulay.

Dulot ng malakas na ulan na dala ng bagyo, bu­maha mula sa Alabama hanggang sa Tennessee, Kentucky, Carolinas, West Virginia at maging sa Illinois.

Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng flash flood sa Virginia nang umapaw ang creek at inanod ang isang kotse na Toyota Prius na may sakay na isang babae’t lalaki noong Huwebes nang gabi. Kinabukasan ay natagpuan ng awtoridad ang katawan ng biktimang lalaki at patuloy na hinahanap ng mga rescuer ang isa pang biktima.

Noong Lunes sa North Carolina, nasawi ang isang television news anchor at isang photojournalist nang mabagsakan ng puno ang SUV na sinasakyan ng d­alawa habang nagko-cover ng bagyo.

Nagkaroon naman ng gas leak at pagsabog na ikinasira ng bahay noong Miyerkoles nang hapon na ikinamatay ng dalawang katao dahil sa mudslide sa bayan ng Boone sa North Carolina.

Nagdeklara na ng state of emergency ang gobernador ng North Carolina, at binabantayan ng state team na mga special engineer ang apat na dam sa nasabing lugar. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More