Una sa Balita

Albert Martinez tunay na ‘rapist’ ni Beauty Gonzales

By
0 3,695

Mas humihigpit ang pagkapit ng mga manonood sa mga rebelasyon ng “Kadenang Ginto” kaya naman patuloy ang pamamayagpag nito sa national TV ratings kumpara sa bago nitong katapat na programa.

Pumalo sa national TV rating na 19% ang Kapamilya serye noong Lunes (Pebrero 11), o pitong puntos na lamang kumpara sa “My Special Tatay” na nakakuha lang ng 12%, ayon sa datos ng Kantar Media. Nito namang Biyernes (Pebrero 8), tinalo rin ng “Kadenang Ginto” ang pagtatapos ng katapat nitong palabas sa pagtala nito ng 19.1%, laban sa 12.9% ng “Ika-5 Utos.”

Patuloy rin ang pamamayagpag sa online world ng serye sa pagkamit ng milyon-milyong view ng mga highlight nito sa YouTube at araw-araw na pagiging trending topic sa Twitter.

Mas matindi nga ang mga tagpo sa “Kadenang Ginto” ngayong papalapit na nang papalapit si Romina (Beauty Gonzales) sa katotohanan ng kanyang madilim na nakaraan. Nahanap na nila ang kuha ng CCTV noong gabing siya ay dinakip at pinagsamantalahan, kung saan nakita rin ang plate number ng kotseng ginamit sa krimen. Dahil nga rito, wala nang ligtas si Alvin (Eric Fructuoso) ngayong siya ang itinuturo ng mga ebidensyang nakalap ng awtoridad.

Pero hindi papayag si Daniela (Dimples Romana) na mabuko ang pakikipagsabwatan niya kay Alvin kaya gagawa siya ng paraan upang mapawalang sala ito. Mahanap na kaya ni Romina ang hustisya sa krimeng ginawa sa kanya?
Marami nga ang humuhula na si Robert (Albert Martinez) ang totoong gumahasa kay Romina (Beauty Gonzales).
Heto naman ang reaksiyon ng mga fan:

@Lourdes Carbonell: “Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot na kung si Robert nga ang tunay na daddy ni Cassie ngunit siya ring nang-rape kay Romina.”

@C’est Moi Edz: “Roberto Aminin mo na kasi na ikaw ang gumahasa,Kasi habang pinapatagl mo pa,baka mas lalo magkaproblema at kamuhian kapa ni Romina.”

@ayra romanoff: “Dalawa lang ibig sabihin niyan.. totoong hindi niya ginahasa si Romina at baka nga si Robert talaga o nagsisinunga­ling lang si Alvin para hindi siya makulong.”

@jinx Casantedem; “Title palang… Kadenang Ginto… Ang kadena magkarugtong..ang ginto yung yaman ng mga mondragon….syempre sa huli mas magmumukhang kwawa si cassie king di sya tunay na anak…aapihin sila ni Daniela kapag wala na si Robert. kaya ang ending pra si bida ang mag wagi…natural sya ang tagapagmana dahil.tunay na anak sya ni robert..”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy