Una sa Balita

Albee Benitez patok bilang Housing secretary

0 196

KINUKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa posisyon bilang secretary ng Department of Housing and Urban Development (DHUD).

Ipinagbigay-alam ito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Benitez mismo.

Ang main author ng batas na siyang lumikha sa DHUD ay tinatapos na lamang ang huling termino niya bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Occidental.

Sa ilalim ng bagong tatag na DHUD, pagsasanibin nito ang trabaho ng Housing and Urban Development Coordinating Council at ang planning and regulatory functions ng Housing and Land Use Regulatory Board. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy