Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Albee Benitez nalugi na, pinalabas pang masama

0 318

Isa sa pinakamainit na issue ngayon sa showbiz ‘yung desisyon ni Albee Benitez na itigil ang “Sunday Noontime Live” na prodyus niya sa TV5.

Itinigil din niya ang “Sunday ‘Kada”.

Ang laki na nga naman kasi ng lugi ni Albee at kahit napakayaman niya, marami ang nakakaunawa sa kanyang naging desisyon. Pero dahil doon, marami rin naman ang hindi matanggap ‘yon.

Napakaraming issue na ibinabato kay Albee. Parang ang sama-sama tuloy niya, huh!

Depensa nga ni Manay Lolit Solis, si Albee na raw ang nalugi ng pagkalaki-laki, pero bakit daw parang ang dating ay ang sama pang lumalabas ng businessman?

Marami nga tuloy ang umaasa at nagsasabing dapat na raw na basagin ni Albee ang kanyang katahimikan at magsalita na rin tungkol sa naging desisyon niya sa dalawa niyang shows na tsinugi.

Sana nga ay magsalita rin si Albee para naman matigil na ‘yung para siya pa ang sobrang nasisisi samantalang siya na nga ‘yung nagbigay ng trabaho sa ibang mga tao, huh!

Right, Manay Lolit?!

Sylvia tikom ang bibig sa kandidatura ni Arjo

Bukas ang balik ni Sylvia Sanchez sa second cycle ng lock-in taping ng Huwag Kang Mangamba ng ABS-CBN kung saan kasama niya ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

Mahilig magluto si Sylvia, kaya naman naging abala na ang premyadong aktres sa paghahanda ng mga pagkaing dadalhin sa taping ng nasabing Kapamilya series.

Para init-init na lang daw habang nasa lock-in taping sila.

Marami akong mga kilala na gusto na nakakasama sa taping si Sylvia dahil mahilig nga siyang mag-share ng mga pagkaing baon niya.

Eh, masarap din naman kasing magluto si Sylvia, in fairness!

Anyway, mas abala si Sylvia sa pagluluto ngayon kesa sagutin ang mga nang-uusisa tungkol sa tsikang tatapatan ng anak niyang si Arjo Atayde ang kandidatura sa pagka-congressman sa May 2020 ang kapatid naman ng isang actor/politician.

Naku, kung talagang kakandidato nga si Arjo (na sabi ng isang source ko ay mukhang sure na raw), exciting ang magiging tapatan nila ng kapatid ng actor/politician na siyang congressman ngayon sa district na ‘yon ng Quezon City, huh!

What do you think, Dondon?!

Premyadong aktres todo tulong sa pamilya

Tinanong ako ng isang premyadong aktres kung gusto kong bumili ng camera na puwede ko raw magamit sa pagsu-shoot ng episodes ng “Anything Goes” Abante News Online Facebook page ko.

Sabi ni premyadong aktres, gusto raw kasing i-dispose ng kapatid niya ang camera nito.

In fairness kay premyadong aktres, pagdating sa kanyang pamilya ay todo-tulong siya.

Kahit noong sobrang kasikatan pa ni premyadong aktres ay palagi una sa kanya ang pamilya. Hindi siya tumitigil sa pagtulong sa mga ito.

Ang bongga nga pati pag-dispose sa camera ng kapatid, si premyadong aktres pa rin ang naghahanap ng buyer, huh!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.