Una sa Balita

Albayalde, ‘Ninja 13’ swak sa katiwalian

0 473

PASOK umano sa kasong graft si resigned Philippine National Police (PNP) chief Gene­ral Oscar Albayalde kaugnay ng pagkakasangkot nito sa iregularidad sa anti-drug ope­ration sa Pampanga noong Nobyembre 2013.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon at Justice and Human Rights committee, guilty umano si Albayalde na noo’y chief of police ng Pampanga, at ang 13 pulis ng “malfeasance, misfeasance and nonfeasance” dahil sa nasabing kuwestiyonableng drug raid.

“He is liable for anti-graft and that would be up to Ombudsman or DOJ (Department of Justice). By reason of his seniority, by reason of his moral superio­rity, his competence,” paha­yag ni Gordon matapos iprisenta sa media ang draft report ng dalawan­g komite na kanyang pinamunuan.

“Hindi naman siya aabot ng general kung wala siyang alam. I think he is liable, very liable,” dagdag pa nito.

Ayon kay Gordon, makakasuhan si Alba­yalde na paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act o Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagtawag nito kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Gene­ral Aaron Aquino, na noo’y dating Regional 3 police director, at dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Deputy Chief Rudy Lacadin, kaugnay ng estado ng kaso ng kanyang mga dating tauhan.

Ani Gordon, si Albayalde, director ng Pampanga Police Provincial Office noong panahon ng operasyon, ay tinangkang hikayatin sina Aquino at Lacadin na huwag ipatupad ang dismissal order laban sa 13 ‘ninja cops’.

Sabi pa nito, dapat umanong inalam ni Albayalde ang kanyang mga tao noong oras na isinasagawa ang raid sa bahay ng drug lord na si Johnson Lee sa Woodbridge Subdivision, Lakeshore View, Mexico, Pampanga.

Samantala, pag-aaralan ng DOJ ang nilalaman ng committee report ng Blue Ribbon Committee ng Senado na nagre­rekomendang kasuhan si Albayalade at 13 ‘ninja cops’. (Dindo Matining/ Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy