Una sa Balita

Albayalde idiniin pa sa ‘ninja cops’

0 679

Lalo pang nadiin si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa isyu ng drug recycling na kinasasangkutan ng dati niyang mga tauhan sa Pampanga Police.

Ito’y matapos ibunyag ni retired Police General Rudy Lacadin sa pagpapatuloy ng imbestigayon ng Senado sa kaso ng diumano’y “ninja cops”, na tumawag sa kanya si Albayalde hinggil sa nakabinbing kaso noon ng 13 dati niyang tauhan sa Pampanga Police.

“I remember he was I think PD (Provincial Director) of Pampanga, he called me. Naalala ko (sabi niya), ‘Sir, naimbestigahan niyo daw kami.’ So sabi ko, ‘Yes, Oca. I did not inform you na nagko-conduct ako ng investigation,” pahayag ni Lacadin.

“But if you have nothing to hide wala ka naman dapat katakutan. Ang sabi niya (Albayalde), I don’t know if jokingly he said, ‘Actually sir konti lang naman napunta sa akin diyan’. I did not elaborate because I don’t want to be influenced in the validation process,” sabi pa ni Lacadin.

Nangyari umano ito nang malaman ni Albayalde na siya ang inatasan ni dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Benjamin Magalong na imbestigahan ang nangyaring drug raid ng dating mga “bata” ng PNP chief sa pangunguna ni Major Rodney Baloyo.

Si Lacadin ang Deputy Director for Operations ng CIDG na nag-imbestiga noon sa kaso ng “ninja cops”.

Pero buwelta naman ni Albayalde, hindi umano niya alam ang motibo kung bakit nagsabwatan ang mga dating opisyal para idiin siya sa kaso ng 13 “ninja cops”.

“I really don’t know ano po ‘yung conspiracy dito. It seems that everybody are ganging up on me, I really do not know. Hindi ko po alam kung ano ang against niya sa akin ni General Lacadin. Pero kung sabihin mong sinabi ko sa iyo ‘yun, why was I not charged? After all this investigation, tatlo na ang nag-investigate, why I was not charged?” sabi ni Albayalde.

Ipinagtataka nito kung bakit ngayon lang umano pinalutang ang isyu na itinaon pa kung kailan malapit na siyang magretiro.

“Why after six years? Why didn’t this come out during the conduct of investigation?” tanong pa nito. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy