Una sa Balita

Albayalde bineybi ng DOJ — Gordon

By
0 383

PUMALAG si Senator Richard Gordon sa tila mahinang kasong isasampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde kaugnay sa ‘ninja cops’ case.

Bagama’t welcome sa senador ang pahayag ng DOJ ukol sa pagsasampa nito ng kasong paglabag sa Anti-Graft Law laban sa dating PNP chief ngunit dapat umano mas seryoso at mabigat pang kaso ang isasampa laban dito.
Mistulang lumilitaw na masyadong inaalagaan o pinoprotektahan umano ng DOJ ang dating PNP chief.

“It is a veritably a positive development that the DOJ recognized that Albayalde has done something wrong and wants to prosecute him. He is the first PNP official who has been charged and found guilty by the Blue Ribbon and now by the DOJ. Nevertheless, we feel that the charge is incommensurate with all the offenses he has done. If the charges are made to stand as they are now, and none more serious is added, the DOJ will be seen as mollycoddling Albayalde,” ayon kay Gordon.

Ang kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ay may katumbas na kaparusahang pagkakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi naman lalampas ng 10 taon bukod sa perpetual disqualification from public office at pagkumpiska ng mga anumang makikitang unexplained wealth nito na hindi tutugma sa agad at iba pang ligal na kita nito.

Matatandaang sa isinumiteng committee report mula sa isinagawang joint hearing ng Committees on Justice and Human Rights at Blue Ribbon, ay inirekomenda nito ang mga sumusunod na pagsasampa ng kaso laban sa dating PNP chief.

Una ay ang Conspiracy to commit Section 27 ng R.A. No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Misappropriation, Misapplication or Failure to Account SeizedDrugs) na may katumbas na kaparusahang life imprisonment to death bukod sa multang mula P500,000 hanggang P10 million at absolute perpetual disqualification sa anumang puwesto sa gobyerno.

Gayundin ang kasong paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code na may katumbas ring kaparusahan na prision correccional na may minimum period o mula anim na buwan, isang araw hanggang dalawang taon at apat na buwan. at panghuli ay paglabag sa RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sections 3(a) and (e).

Malinaw umanong napatunayan sa pagdinig na maraming kasalanan at maling aksiyon na ginawa si Albayalde na dapat nitong pananagutan.
“We established during the hearing Albayalde’s acts of omission and commission which made him liable for the recommended charges,” ayon pa kay Gordon.

Tinukoy pa ng senador ang pagsinungaling umano si Albayalde sa pagsasabi nitong wala siyang alam sa operasyon gayong may inilabas siyang memo bago isinagawa ang operasyon.

Tinangka rin umano nitong gamitin ang kanyang koneksiyon sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang mga kaibigang heneral para mapababa ang kaparusahan sa kanila.

Bukod pa sa nadiskubreng pag-promote umano nito ng ilan niyang tauhan at paglagay sa piniling puwesto kahit na patuloy ang ginagawang katulad na modus operandi.

“Remember that the case is filed not merely on behalf of a single person. It is a case against the people—thus, People of the Philippines vs Alba­yalde. As an elected representative of the people, I urge the DOJ to take another look because the acts of Albayalde are more grave than what they are right now contemplating,” dagdag pa ng Senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More