Una sa Balita

Albay councilor sasabak na PCL chairman

0 726

MATAPOS manalo nang walang kalaban bilang Regional Chairman ng Philippine Councilor League (PCL) sa Bicol, inanunsyo ni Polangui, Albay Municipal Councilor Jesciel Richard Salceda ang balak niyang tumakbo sa pagka-National Chairman ng PCL.

Ani Konsehal Salce­da, ang kanyang intensyon sa pulong ng PCL National Board kamakailan.

Nasa ikatlong termi­no bilang konsehal ng kanyang bayan, siya ay pamangkin ni Albay Second District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee.

Sa kanyang pahayag,­ sinabi ng batang Salceda na isusulong niya ang isang programa ng malawakang reporma na naglalayong gawing matibay na haligi at puwersa ang PCL tungo sa makabuluhang progreso ng bansa.

“Panahon na para ang mga konsehal ng bayan, sa ilalim ng PCL bilang pambansang organisasyon nila, ay makapagbigay ng sapat at makabuluhang ambag sa mahahalagang pambansang programa ng administrasyong Duterte,” giit nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More