Una sa Balita

Albania ginimbal ng lindol: 6 patay, higit 300 sugatan

0 667

Binulabog ng magnitude 6.4 na lindol ang Albania nitong Martes.

Nasa anim na katao na umano ang naitalang nasawi habang umabot na sa 325 ang sugatan sa lindol na may lalim na 20 kilometro, ayon sa CNN report.

Naitala ang sentro ng lindol sa port city ng Durres, may 13 mil­ya mula sa capital na Tirana.

Sa mga nagkalat na social media video, makikita ang mara­ming gusali na gumuho dahil sa lindol.

Isa sa mga namatay sa lindol ay tu­malon mula sa balcony ng isang gusali habang ang tatlo ay nasawi sa village ng Thumane.

Hindi rin batid ang sanhi ng ikinamatay ng dalawa pang casualty.

Samantala, isinara na ang tatlong eskuwelahan sa mga siyudad ng Durres, Lezhe at Tirana. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy