Una sa Balita

Alaska pinara ang Dyip

By
0 372

WALA sa ritmo sa unang salang sa PBA Philippine Cup, naibalik ni coach Alex Compton ang bangis ng Alaska Aces sa panga­lawang laro nang pagdiskitahan ang Columbian Dyip 94-72 sa first game sa MOA Arena Miyerkoles ng gabi.

Nakabawi ang Aces mula sa 85-72 overtime loss sa TNT noong Feb. 3 tungo sa 1-1 card. Natikman ng Dyip ang pa­ngatlong sunod na talo at sumadsad sa 2-4.

Kulang sa tao ang Aces, rumesponde si Jake Pascual sa isinumiteng 13 points at 13 rebounds para punan ang pagkawala sa injuries nina Vic Manuel, JVee Casio, Simon Enciso at Kevin Racal.

Sa 6-6 lang huling tumabla ang Columbian mula sa layup ni CJ Perez, kumalas ang Aces at tinapos ang first quarter 20-13. Naibaba ng Dyip sa lima pero kinubra ng Aces ang huling limang puntos sa second tungo sa 46-36 halftime lead.

Pinabuka ng layup ni Noy Baclao ang bentahe ng Alaska sa 21, bago kumonekta ng 3 si Perez para sa Dyip na iwan na 68-50 pagkatapos ng three.

Sa fourth quarter ay puro Aces na.

Nag-init si Carl Bryan Cruz sa kalagitnaan ng final period, sa kanyang 9 points na pumagitna sa split free throws ni Jeron Teng ay dumistansiya ng hanggang 89-59 ang Alaska sa 4-minute mark at tuluyan nang nabalaho ang Dyip.
Tumapos si Cruz ng game-high 20 points, 12 dito sa final frame, at nagbaba pa ng 9 boards.

Nag-deliver din ng 12 points si Chris Exciminiano, may 10 si Chris Banchero para sa Alaska na nakalamang pa sa puntusan sa paint 44-32.

Namuno ang 15 points ni Perez sa Dyip, umayuda ng 12 si Jackson Corpuz.