Una sa Balita

Alaska Milk Day dinagsa

0 131

Halos lahat ay nakilahok sa Alaska Milk Day noong nakaraang weekend.

Mahigit 12,000 ang nakiisa sa pag-celebrate ng kahalagahan ng proper nutrition at exercise sa pamama­gitan ng paglahok sa ginanap na Fun Run sa McKinley West, Taguig, gayundin sa SM City Naga; SM City Davao; at SM Seaside Cebu.

Matapos ang 5:00 a.m. run, may milk toast din ng alas-sais, kasunod ng Zumba session sa alas-6:30, kung saan may libreng breakfast pa para sa lahat ng nakilahok.

Ayon kay Alaska Milk Marketing Director Blen Fernando, layunin ng nasabing event ay para himukin ang lahat na mamuhay na malusog.

“It is best for everyone to engage in sports whe­ther it’s basketball, football or just running and walking. It is important to stay active and to always drink your milk for proper nutrition,” lahad ni Fernando.

Si Lucia Bona, 74, mula sa Tatalon, Quezon City ay isa sa pinakamatandang lumahok. Dumating siyang kasama ang may 30-member Barangay Tatalon Zumba & Wellness group, na pinangunahan ni Amy Santos, 68, na siyang nag-organisa ng nasabing grup, may sampung taon na ang nakararaan.

Ipinaalala rin ng nasabing event, kung saan ang bawat kalahok ay nag-donate ng lata ng gatas na ipagkakaloob sa institution partner nitong Children’s Hour, ang kahalagahan ng pag-inom ng gatas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy