Una sa Balita

Alaska mapagmahal sa Inang Kalikasan

0 339

Muling idinaos ng Alaska Milk Corporation ang kanilang taunang tradisyon na Tree Planting.

Ang mga iniidolo nating basketbolista ay maagang nagtungo sa Taguig City para sa nasabing activity.

Kasama nila ang puwer­sa ng Philippine Navy, Department of Environment and Natural Resources (DENR) pati na mga taga-munisipyo ng Sta. Ana, Taguig.

Isa ito sa madaming proyekto ng kompanya na patuloy na naniniwala at nagsusulong ng healthy lifestyle.

Sa pagtatanim ng puno, hindi ka lang nakakapag-ehersisyo, nakagawa ka pa ng maganda hindi lamang para sa sarili mo kundi para sa karamihan.

Sabay sa pagtatanim ng mga punongkahoy, nawa’y lumaki at lumago itong layunin na ito at maengganyo ang marami na tumulong para panga­lagaan ang kalikasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy