Una sa Balita

Alas muling magpapakitang gilas — Guiao

By
0 380

UMAASA si NLEX coach Yeng Guiao na magiging maganda ang kampanya ng Road Warriors sa 2019 PBA Philippine Cup simula sa Linggo, Enero 13, matapos pa­lakasin ang kanyang koponan at sa napipintong pagbabalik ng pa­ngunahin nitong point guard na si Kevin Louie Alas.

“Okay naman kami, maganda ang praktis namin with Poy Erram and Kevin Alas is already practicing with the team. Isa pa lang ang scrimmage namin but we played well. We actually beat TNT. Maraming good signs but siyempre it does not guarantee us kung saan kami pupulutin sa real tournament. We have some good rookies playing well also with Chris Porter. Hindi immediate ang aasahan namin with Chris Porter but he will be up in the absence of Chris Miranda,” sabi ni Guiao sa PBA Media Day kamakalawa sa Solaire.

Ipinaliwanag pa ni Guiao na optimistiko siya na malalampasan ang kanilang naabot nakaraang taon sa tulong nina Erram at Alas.

“Kevin Alas is playing well. But my anticipation is may psychological block pa siya. Coming from a freak injury like that, being absent for 8 months, it might take a little longer to get back his game. Pero mukhang hindi eh, mukhang andiyan na ang laro niya agad-agad, maganda ang development niya,” sabi pa ni Guiao.