Una sa Balita

Alas bibinyagan kontra NorthPort

0 368

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — NorthPort vs NLEX
7:00pm — Alaska vs Phoenix

NOONG Pebrero sa Philippine Cup, bumagsak si Kevin Alas dahil sa right knee injury.

Makalipas ang siyam na buwan, makakabalik na sa court ang NLEX guard at buo na ang tandem nila ni Kiefer Ravena.

Masusubukan si Alas kontra NorthPort sa first game ng PBA Governors Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Maliban sa pagpapanatili ng kapit sa No. 1 spot, tatasahan ng Road Warriors kung 100 percent nang ready sa competitive basketball si Alas.

Sa 8-1 card ay nakasiguro na ang NLEX ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

“It’s also Kevin Alas’ opportunity to get back his feel for the game in a competitive setting,” ani coach Yeng Guiao. “I’m excited for him.”

Kontra Magnolia pa noong Linggo puwedeng maglaro si Alas, pero nagdesisyon si Guiao na iupo muna ang dating Letran standout dahil sa Ynares Center ang laro.

Sa Antipolo venue rin nakuha ni Alas ang ­pangalawang injury – sa parehong tuhod, ­parehong injury kaya na-sideline sa halos buong 2017-18 ­season.

Nasa five-game winning run ang Road Warriors, apat sapul nang dumating si Manny Harris kapalit ni Olu Ashaolu. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy