Una sa Balita

Alapag, Yoshida tutulong sa draw ng Asia Qualifiers

0 236

By Lito Oredo

Magbibigay prestihiyo muli para sa Pilipinas si Jimmy Alapag matapos itong kilalanin bilang isa sa dalawang Asian star guards na tutulong sa official draw ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers na gaganapin sa Shangri-La Hotel Bengaluru sa Bengaluru, India sa Hunyo 8.

Ang dating National Team captain na si Alapag at legendary Japanese floor general na si Asami Yoshida ay dadalo sa event upang tumulong sa proseso sa paggrupo ng qualified teams para sa Asian Cup 2021 Qualifiers.

Isa ang Pilipinas sa 24 koponan na hahatiin sa anim na grupo na may apat na koponan kada isa na sasabak para sa FIBA Asia Cup.

Ito ang unang pagkakataon na ang FIBA Asia Cup ay magkakaroon ng qualification round.

Ang mga koponan ay nagkuwa­lipika na sa yugto sa pamamagitan ng paglalaro sa FIBA Asia Cup 2017 o sa pagwawagi nito sa mga ginawa na Pre-Qualifiers noong 2018.

Ang susunod na hakbang tungo sa korona ng torneo bilang pinakamagaling na koponan sa Asia ay sisimulan sa Nobyembre 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy