Una sa Balita

Alapag mag-a-assist sa India FIBA Asia Cup 2021 Qualifier

0 363

ISA pang big time assist ang pakakawalan ni Philippine basketball legend Jimmy Alapag, ngayon ay sa official draw naman ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.

Makakasama ni Alapag ang tigasin ding playmaker ng women’s national team ng Japan na si Asami Yoshida na mag-a-assist sa draw sa June 8 sa Shangri-La Hotel Bengaluru sa India.

Ang 24 teams na nag-qua­lify ay hahatiin sa anim, apat na koponan bawat grupo para mag-unahan sa pagsikwat ng tiket sa FIBA Asia Cup sa 2021.
Kasama rito ang Pilipinas sa bisa ng paglalaro na sa 2017 FIBA Asia Cup.
Sa November magsisimula ang bakbakan.

Matagal-tagal ding naging lider ng Philippine national team si Alapag, pinangunahan ang bansa sa tatlong FIBA Asia Cups noong 2007, 2011 at 2013.
Isa sa highlights ni 5-foot-9 guard Alapag ang clutch performance kontra Korea noong 2013 semifinals para itulak ang Pilipinas sa best Asia Cup finish sa loob ng halos tatlong dekada.

Nag-retiro na sa paglalaro si Alapag, 41, coach na siya nga­yon ng San Miguel-Alab Pilipinas sa ASEAN Basketba ll League.

Sa PBA, isa siya sa mga assistant coach sa San Miguel Beer, mahigpit niyang karibal noong naglalaro pa sa TNT. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy