Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alapag gagaya kay Spoelstra

0 453

KUMPIYANSA si Erik Spoelstra na hindi magtatagal magkakaroon ng isa pang Asian coach sa National Basketball Association (NBA).

Tanging siya pa lang ang nag-isang Asian coach sa US major league sapul noong 2008 hanggang ngayon sa pagmando sa Miami Heat.

Nagsimula ang Fil-Am bilang video coordinator para sa Heat noong 1995 hanggang maging coach at inakbayan ang Miami sa 2012-2013 back-to-back championships sa limang finals stint buhat noong 2011.

“it’s only a matter of time before more Asian coaches get their big break,” bulalas ni Coach Spo sa theundefeated.com nitong Sabado. “Five years ago, nobody would have thought about bringing in a coaching intern from the Philippines.”

At isa sa nakikitang puwedeng sumunod sa yapak niya si former ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Fil-Am Jimmy Alapag, na nag-Sacramento Kings coaching staff sa Summer League sa nakaraang taon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.