Una sa Balita

‘Alang Slaughter sa Gilas Pilipinas vs Iran

GARAHE!

By
0 657

WALANG Greg Slaughter sa final lineup ng Team Pilipinas na isasabak sa Iran sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Alas-otso mamayang gabi (oras sa Manila) ang tipoff sa Azady Gym sa Tehran.

Kasama ang Ginebra big man sa 16-man pool na bitbit ni coach Yeng Guiao sa Iran, pero hindi mailalaro ang left ankle sprain na nakuha sa huling laro sa PBA Governors Cup noong Sept. 5.

Inilabas na kahapon ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas ang final 12.

Mga bagong mukha na wala sa team ni Guiao sa Asian Games sina Scottie Thompson, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Ian Sangalang at Allein Maliksi.

Holdovers sa isinabak sa Indonesia Asiad sina Christian Standhardinger, Asi Taulava, Raymond Almazan, Beau Belga, Gabe Norwood, Paul Lee at Poy Erram.

Magtutulong-tulong sina Taulava, Almazan, Belga, Sangalang, Erram at Standhardinger sa pagsawata kay 7-foot-2 Hamed Haddadi.

Ang dating NBA player ay 33-an­yos na pero inaasahang manganga­labaw pa rin sa ilalim.

Si Standhardinger ang ginamit ni Guiao bilang naturalized player kontra Iran. Posibleng si Stanley Pringle naman ang isabak kapag ini-host ng Pilipinas ang Qatar sa closed-door game sa Smart Araneta Coliseum sa Sept. 17.