Una sa Balita

‘Alang career sa Tate, Kobe Paras balik-Pinas

0 3,264

Hindi nagmamadali ang basketball sensation na si Kobe Paras, anak ni PBA legend two-time Most Valuable Player (MVP) Benjie Paras, sa direksiyong tatahakin ng kanyang batang karera.

Kahapon ay nagbalik sa bansa ang mas batang Paras upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas Cadets na sasabak sa 2018 FilOil Flying V Premier Cup bilang guest team sa preseason tournament simula April 21 sa San Juan City.

Kuwento ng 20-an­yos na hoopster, nu’ng nasa Amerika siya ay nagdesisyon na siyang umakyat sa professional ranks dahil nasibak ang kanyang college coach sa unibersidad na kanyang pinasukan.

“When I announced to go pro, it was because of my coach, Coach Reggie (Theus), he got fired. It was shocking to me that he got fired because I was ready to play,” sabi nito.

Nang tanungin kung sa PBA o saang professional league balak su­mabak ni Paras, walang direktang sagot ang manlalaro at sinabing tutok muna siya sa FilOil tournament.

“PBA is a professional league, that’s all I’m gonna say. When I said I was going pro, there’s a lot of pro leagues out there,” pahiwatig ni Paras.