Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alang-alang sa baby: Angelica lumambot puso kay Carlo

0 179

Walang problema kay Angelica Panganiban kung mag-guest man ang isa sa kanyang ex-boyfriends sa bagong digital talk show niyang “Ask Angelica” na mapapanood sa lahat ng online platforms ng ABS-CBN simula Biyernes (Setyembre 25).

Meaning, napatawad na niya si Carlo Aquino na kinasamaan niya ng loob kamakailan. Handa na siyang kumprontahin ito. Lumabot na ang puso niya kay Carlo, alang-alang sa baby nito?

Nang usisain siya kung ano ang gusto niyang itanong sa mga ito, ang sagot niya, “Kung gaano sila nanghihinayang? Siguro iyon para masaya lang.”

Kwento pa ni Angelica ay sobra siyang nag-enjoy gawin itong “Ask Angelica.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakakatuwa makarinig ng iba’t ibang issues ng mga tao. At some point, makaka-relate ka talaga. Masarap din i-share ang mga naging proseso mo noong na-experience mo iyong ganoong klaseng problema and paano mo siya nalagpasan. Masaya kasi naaliw ko ‘yung sarili ko,” say niya.

Guest ni Angelica sa unang episode ng “Ask Angelica” ang kanyang mga bestfriend na sina Kim Chiu at Bela Padilla.

Bukod sa “Ask Angelica,” malapit na ring mapanood ng mga Kapamilya ang teleserye niyang “Walang Hanggang Paalam” kasama sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Arci Munoz sa Setyembre 28 (Lunes).

Joke nga ni Angelica, isa siya sa pinaka-busy na artista ng Dos kaya naman sinabi rin niya na wala siyang plano iwan ang Kapamilya network.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.