Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alan iniwan: Velasco suportado ni Villar, NP

0 446

Matapos sibakin ng mga kongresista bilang House speaker, lumipat na rin ng suporta sa bagong liderato ng kapulungan ang mga kapartido ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Nagpahayag ng suporta ang Nacionalista Party (NP) sa pangunguna ni Las Piñas City Rep. Camille Villar sa legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang pag-apruba ng Kamara sa panukalang 2021 national budget, sa pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco.

Sa pahayag ng tanggapan ni Villar, sinabi nito na sa gitna ng mga kaganapan sa Kamara ay nananatili ang suporta ng NP sa mga layunin ng Pangulo na malunasan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa, lalo ngayong may pandemya.

SM food to go Banner Ad

Makakaasa rin umano sa kanila ang Pangulo na susuportahan ang walang humpay na kampanya nito laban sa korapsyon sa gobyerno na isang uri ng pagnanakaw sa kaban ng bayan na dapat sana ay mapunta sa mga tao.

Tiniyak ng mambabatas na ang buong NP at mga kapartidong mambabatas sa Kamara ay nangangako para sa mabilis na pagpapatibay ng 2021 national budget na tutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at hindi lamang batay sa kinakailangan ng mga distrito.

Kasabay nito, ipinahayag ni Villar na ang kahandaan ng kanilang partido na makipagtulungan sa bagong liderato ng Kamara at susuporta para sa ikatatagumpay ng legislative at economic agenda ni Pangulong Duterte.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.