Una sa Balita

Alan: Clark handa sa Asian Games, AIMAG

0 275

MARAMI man na mga national sports associations (NSA) ang uma-ayaw ay hindi pa rin napigilan ang pagtatakda sa New Clark City sa Capaz, Tarlac pati na rin sa kalapit nitong Subic at dating base military na Clark ang pagsasagawa ng mga tampok na sports sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games.

Parte sa ipinapatupad na programa ng pamahalaan na Build, Build, Build, kasaluku-yang binubuo sa New Clark City ang modernong athletics stadium, ma-kabagong international standard na swimming pool at ang ipinagmamalaki na pinaka-u-nang Athletes Village na gagamitin para sa SEA Games.

Ang New Clark City, na ginagastusan mismo ng Bases Conversion Development Authority o BCDA, ang inaasahang magiging pinakamala-king sports complex sa bansa kung saan nakatakda pa itayo sa lugar ang isang football field at puwesto para sa iba’t ibang water sports.

Una nang sinabi ni Alan Peter Cayetano, itinalaga na chairman ng SEA Games Organi-zing Committee, na kanilang asam na maisagawa sa nasabing pasilidad ang pagho-host ng pinakamalaking edisyong ng isang torneo na Asian Indoor and Martial Games (AIMAG) sa 2021 at ang Asian Games sa 2023.

Una nang ipinakita ni Vince Dizon, na BCDA Administrator, ang buong plano sa mahigit na 10,000 ektarya na lupain na inaasam nitong maging makabagong lugar para sa mga malalaking kompanya at maging lugar din para sa iba’t ibang pagsasagawa ng mga torneo sa sports sa bansa. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy