Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alaminos mayor ginupo ng COVID

0 43

Pumanaw dahil sa Coronavirus Disease 2019 si Alaminos, Laguna Mayor Eladio Magampon.

Sa kanyang official­ Facebook page, sinabing sumakabilang-buhay ang alkalde nitong Linggo ng umaga matapos magpositibo sa COVID-19.

Si Magampon ay pumanaw anim na araw bago ang kanyang ika-77 kaarawan sa Mayo 8.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagluluksa ngayon ang buong bayan ng Alaminos sa pagpanaw ng kanilang mayor na doktor ang propesyon.

Nagpaabot na rin ng kanyang pakikiramay sina Laguna Governor Ramil Hernandez at Laguna 3rd district board member Angelica Jones Alarva.

Si Magampon ang ikalawang mayor ng Laguna na nasawi dahil sa naturang sakit. Nitong Marso 29, namatay din dahil sa COVID-19 si Famy Mayor Edwin Pangilinan sa edad na 53. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.