Una sa Balita

Alamin: Paano protektahan ang sarili sa ashfall

0 148

NAGLABAS ng ­advisory ang Department of Health (DOH) kung paano mapapangalagaan ang sarili mula sa masasamang epekto dulot ng ashfall o pag-ulan ng abo.

Ito ay ang mga sumusunod:

1. Manatili sa bahay. Iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.

2. Gumamit ng ­ma­sk o ­pantakip sa ilong at bibig. ­Maaaring ­gumamit ng medical at ­surgical mask, dust mask, o ­mamasa-masang panyo.

3. Iwasang magbukas ng pintuan at bintana. Magsabit ng mamasa-masang kurtina sa mga bintana at pintuan.

4. Siguraduhin ang supply ng gamot. Sa mga may hika ay pinapayuhan na magkaroon ng available na nebules at gamot sa allergy. Gamitin ayon sa doktor.

5. Magpakonsulta agad kung may problema sa paghinga.

Samantala, payo naman ng Philippine Cornea Society, huwag munang magsuot ng contact lenses at ­eyeglasses, sa halip ay magsuot ng goggles para maprotektahan ang mga mata sa ash particles.

Sakaling mapuwing ng abo, gumamit ng eye lubricant o hugasan ito ng running water.

Kapag nagkaroon naman ng malabong paningin dahil sa ash fall o pamumula at panana­kit ng mga mata, ina­abisuhan na magpakonsulta na sa ophthalmologist. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More