Una sa Balita

Alamin kung saan… Walang tubig ngayon

By
0 4

Nagbabala ang Maynilad na ilang lugar sa Metro Manila ang mawawalan ng tubig ngayong araw ng Martes, Hunyo 7, dahil sa pagsasaayos ng treatment facility nito sa Quezon City.

Sa isang advisory, sinabi ng Maynilad na magsisimula ang pagkukumpuni ng alas-otso ng umaga hanggang alas-otso ng gabi.

Kabilang sa mga makakaranas ng mahinang pressure hanggang walang tubig ang Brgy. 166, Brgy. 167, Brgy. 176, Brgy. 178 hanggang 180, Brgy. 182 hanggang 188, na pawang nasa Caloocan City.

Apektado naman sa Quezon City ang Capri, Gulod, Kaligayahan, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Nocaliches Proper, Pasok Putik, San Agustin at Sta. Monica.

Samantala, makakaranas naman ng mahinang pressure ng tubig ang Meycauayan Water District at Obando Water District.

Sa Valenzuela City, kabilang sa mga apektadong lugar ng mahinang pressure ng tubig ay Arkong Bato, Bagbaguin, Balakangkas, Bignay, Bisig, Canumay East, Canumay West, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Lawang Bato, Lingunan, Mabolo, Malanday, Malinta, Mapulang Lupa, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Paso De Blas, Pasolo, Polo, Punturin, Rincon, Tagalag, Ugong, Veinte Reales at Wawang Pulo.