Una sa Balita

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | March 30, 2020

0 420

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: CELINE DION, JANELLA SALVADOR

ARIES (March 21-April 19) – Iwasan ang mga hindi importanteng paggastos na maaari mong pagsisihan sa mga darating na linggo. Kung nakasanayan mong madali lamang ang pera, ito ang panahon para ma-realize na mas maraming mahahalagang bagay ang dapat paglaanan nito. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – Kung gusto mong manatiling nasa unahan ng karera, kailangang pagbutihin ang mga taktikang ginagamit. Hindi na uubra ang mga dati mong ginagawa dahil batid na ito ng iyong mga katunggali. Lucky number for today: 25

GEMINI (May 21-June20) – Kung may pagdududa ka sa isang kaibigan, hindi ito ang pagkakataon para sabihin ito. Maghintay pa ng ilang araw at makikita mo kung ano ang tunay nilang kulay. Lucky number for today: 31

CANCER (June 21-July 22) – Isang kasamahan sa trabaho ang nagpapakita ng kabutihan at todo suporta sa iyo. Wala kang dapat ipangamba, hindi ito palabas lamang. Nakikita ang kabutihan ng mga tao sa panahon ng kagipitan. Lucky number for today: 4

LEO (July 23-August 22) – May sorpresang hatid ang dalawang araw na darating. Maaaring makapagdulot ito ng pangamba pero sa bandang huli mare-realize mo na ito ang hinihintay mong pagbabago. Lucky number for today: 39

VIRGO (August 23- September 22) – Sa mga nagdaang araw nakadiskubre ka ng mga bagong paglilibangan na malayo sa iyong nakasanayan. May mga tao ring napalapit lamang sa iyo dahil sa kasalukuyang sitwasyon at makabubuting palalimin pa ang pakikipagkaibigan sa kanila. Lucky number for today: 49

LIBRA (September 23- October 22) – Usaping pampamilya at pinansyal ang nangungunang isyung dapat resolbahin. Kailangan ang kooperasyon ng bawat miyembro. Ito ang pagkakataong hindi puwedeng manaig ang iisa lamang. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23- November 21) – Maaring nakakabigla ang nakikita mo ngayon sa isang kaibigan pero dito mo rin siya lalong hahangaan. May mga bagay na kailangang panatilihin na lamang na isang sikreto. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Tumataas ang stress sa paligid at ramdam na ramdam mo ito. Makabubuting gumawa ng ilang bagay na mapapaglibangan. Hindi makakatulong ang tensyon. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hayaang mangibabaw kung ano ang best mo gayundin sa mga taong nasa paligid. Gawin ang lahat para maiangat pa ang interes ng nakararami. Lucky number for today: 10

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ilang mga salitang nakakapagpataas ng kumpiyansa. Ito lamang ang kailangan mong iparating sa isang kaibigang nangangailangan ng iyong suporta. Isa kang magandang inspirasyon para sa kanya. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – Nasa iyong kamay ang lahat ng impormasyon. Gamitin ito nang tama. Talikuran ang mga bagay na alam mong mali at gawin ang nararapat. Dito ka mas magiging masaya. Lucky number for today: 42

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More