Una sa Balita

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 6, 2020

0 408

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY:

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka agad sumusuko pero nangingibabaw ang mga negatibong emosyon. Dumistansya muna sa mga pinagmumulan ng mga negatibong alalahanin. Libangin ang sarili sa ibang bagay para muling maibalik ang sigla. Lucky number for today: 36

TAURUS (April 20-May 20) – Kapag nakabuo ka ng isang ideya, mahirap para sa iyo ang baguhin ito. Maaring sa ilang pagkakataon ay positibo ito pero may mga sitwasyong kailangan mong mag-adjust at kabilang ang araw na ito. Lucky number for today: 54

GEMINI (May 21-June20) – Habang hindi mo mapigilan ang sarili mong magbigay ng reaksyon, mas marami kang kailangang ipaliwanag. Nagsasaya naman ang iyong mga kritiko. Mas makabubuting manahimik muna at lumayo sa pinagmumulan ng tensyon. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Isang isyung matagal nang umuulit-ulit sa isang relasyon ang puwedeng mawala sa kontrol ngayong araw na ito. Piliting kalmahin ang emosyon. Hindi lahat ay kailangang pagdebatehan. Lucky number for today: 6

LEO (July 23-August 22) – Isang pangyayari ang magpapahina sa iyong kumpiyansa. Kung gusto mong makabawi agad makabubuting tanggapin ang tulong na nasa malapit lamang. Minsan kailangang ikaw muna ang magsabi para ibigay ito sa iyo. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23- September 22) – Mas nauunawaan mo ngayon kung ano ang posisyon at pananaw ng mga tao sa paligid mo. Wag nang makisakay sa mga taong walang ginawa kundi tumayong kritiko. Respetuhin ang pagkakaiba ng mga opinyon. Lucky number for today: 22

LIBRA (September 23- October 22) – Kung hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ng isang katrabaho, ‘wag manahimik. Sabihin ito at nang magkaroon ng paliwanagan. Mas makabubuting linawin ang isyu kaysa manatiling kinikimkim ang inis. Lucky number for today: 18

SCORPIO (October 23- November 21) – Magtiwala sa iyong kutob. Magpokus sa sinasabi ng isang taong malapit sa iyo. Alam mong may mas malalim siyang mensahe na hindi niya madirekta. Lucky number for today: 51

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kontrolin muna ang bugso ng emosyon at iwasang magsalita lalo na kung alam mong puwede itong makasakit ng damdamin. Mahihirapan kang ayusin ang isang relasyon kapag ito’y nagkalamat ngayon. Lucky number for today: 42

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mahirap maging masaya at ramdam mong lahat ay may kinikimkim na tensyon. Normal lamang ito dahil sa araw-araw na negatibong mga balita. Pero tandaang may katapusan ito kaya walang dapat ikatakot. Lucky number for today: 9

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag nang paapekto sa mga maliliit na kapalpakan. Lalo lamang tatagal ang ginagawa mo kung mangingibabaw ang negatibong mga emosyon. Manatiling kalmado sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 35

PISCES (February 19-March 20) – Sa gitna ng mga kalituhan, nakikita mo ang mas malalim na koneksyon, ang bigger picture. Manatiling positibo at ihanda lamang ang sarili sa sandaling bukas na ang daan para abutin ang iyong mga goals sa buhay. Lucky number for today: 1

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More