Una sa Balita

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 5, 2020

0 428

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: Pharrell Williams

ARIES (March 21-April 19) – Pinapaboran ngayong araw na ito ang aspeto ng komunikasyon. Anuman ang sabihin mo, handang makinig ang mga tao. Marami rin sa kanila ang makaka-appreciate ng iyong mga mensahe. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – Walang dapat ipagmadali dahil wala ka pa namang pupuntahan. Wala rin munang dapat seryosohin dahil hindi normal ngayon ang sitwasyon. Makakabuting gamitin ang mga natitirang araw para totoong makapagrelaks ng isip hindi lamang ng katawan. Lucky number for today: 30

GEMINI (May 21-June20) – Mas relaks ka ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Natatanggap mo na ang sitwasyon kaya nakikita mo na hindi lahat kailangang seryosohin. Tuloy lang ang buhay matatapos din ang lahat ng unos. Lucky number for today: 52

CANCER (June 21-July 22) – Hindi lahat ng mensahe ay sinasabi. Ang iba ay ipinararamdam lamang. Kailangan mo ring obserbahan ang aksyon ng mga tao sa iyong paligid dahil may mga taong hindi masyadong honest. Lucky number for today: 40

LEO (July 23-August 22) – Hindi na importante ang sinasabi ng iyong mga kapamilya. Magtiwala sa iyong instinct. Alam mo kung ano ang ginagawa mo at hindi mo dapat hintaying lagi ang kanilang papuri at pakikiayon. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23- September 22) – Mas madali para sa iyo ngayon ang makisama sa mga katrabaho. Posibleng dahil magkakalayo kayo. Pero hindi masamang gamitin ang mga araw na ito para mas makilala nang husto ang isa’t isa. Lucky number for today: 58

LIBRA (September 23- October 22) – Pinapaboran ngayon ang aspeto ng romansa. Kahit long distance o sa pamamagitan lamang ng social media ang inyong komunikasyon, pagkakataon na ito para magkamabutihan. Lucky number for today: 9

SCORPIO (October 23- November 21) – Wag nang sayangin ang pagod at emosyon dahil lamang sa isang taong hindi nakatupad sa kanyang pangako. Kaiba ngayon ang sitwasyon kaya mas lawakan mo ang iyong pang-unawa. Lucky number for today: 4

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Sa mga taong nagmamahal sa iyo, halos perpekto ka na. Pero alam mo sa sarili mo ang iyong mga kakulangan. Nasa iyo rin naman ang paraan para makabawi. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mo ngayong balansehin ang trabaho at ang pagbibigay ng atensyon sa iyong mga mahal sa buhay. Kahit work-from-home ka kung wala ka namang panahon sa mga mahal mo sa buhay, daig mo pa ang nasa malayo. Lucky number for today: 25

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi ka likas na emosyonal pero sa pagkakataong ito nararamdaman mo ang pinagdaraanan ng mga tao sa iyong paligid. Masakit ito sa iyong kalooban kaya kung may magagawa ka para iparating ang iyong suporta, gawin ito. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Kung isang taong hindi mo dating kasundo ang nagiging mabuti sa iyo sa mga nagdaang araw, malamang na gusto na niyang wala ang tensyon sa inyong relasyon. Matutong magpatawad. Lucky number for today: 2

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More