Una sa Balita

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 2, 2020

0 421

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY:

ARIES (March 21-April 19) – Kung hindi mo kaya ang isang importanteng trabaho nang mag-isa ka lang, humingi na ng alalay. Maraming kaibigan ang handang tumulong kung magpapasabi ka lang. Lucky number for today: 8

TAURUS (April 20-May 20) – May pagkakataon ka na para magpa-impress sa iyong mga employers. Kahit work at home ka lamang, mas lalong lumilinaw sa lahat ang iyong kakayahan. Lucky number for today: 23

GEMINI (May 21-June20) – Wala nang silbi pang itago ang katotohanan sa iyong mga partners at mahal sa buhay. Kilala ka nila at hindi mo kakayaning maglihim nang matagalan. Aminin na may pagkakamali ka at humingi ng pang-unawa. Kaya mo pang makabawi. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Ang attitude mo sa isang proyekto ay nagbabago. Nawawalan ka na ng interes kahit naibigay mo na ang iyong commitment. Hindi pera lamang ang nakasalalay dahil mas higit ang iyong reputasyon. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – Hindi masamang sabihin mo sa lahat kung ano ang iyong mga plano. Kung patuloy kang magiging malihim, hindi mo agad makukuha ang kanilang partisipasyon at tiwala kapag kailangan mo na ng tulong. Lucky number for today: 29

VIRGO (August 23- September 22) – Maaga mong ipabatid sa ilang indibidwal na hindi mo gusto o maaaring hindi mo kayang gawin ang gusto nilang ipagawa sa iyo. Kung nakikita mong dehado ka sa magiging sitwasyon, dumistansya na habang may oras pang umatras. Lucky number for today: 47

LIBRA (September 23- October 22) – Mas maaga kang makakagawa ng pagbabago, mas papabor sa iyo ang sitwasyon. Anumang hindi na umuubra sa iyo ay kailangan nang itapon at tuluyang talikuran. Ganito rin ang mga taong nagsisilbing toxic sa buhay mo. Lucky number for today: 20

SCORPIO (October 23- November 21) – Maging alerto, maging handa. May isang showdown na puwedeng mangyari sa loob ng bahay. Pilitin ding maging kalmado habang nagaganap ito, dehado ka kapag naging emosyunal ka. Lucky number for today: 49

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi ka mahihirapang kumbinsihin ang lahat sa gusto mong gawin. Iwasan lamang na masyadong maging agresibo. Mas panalo ka kung idadaan sa paglalambing ang lahat. Lucky number for today: 30

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tiyakin mo munang tama at kumpleto ang mga hawak mong impormasyon. Mabuti nang alam mo ang lahat ng papasukin mo lalo na kung pera ang pinag-uusapan. Lucky number for today: 35

AQUARIUS (January 20-February 18) – Walang ibang gagawa ng trabahong nasa harapan mo kundi ikaw. Alisin muna ang mga distraksyon. Importanteng matugunan mo ang anumang commitment mo. Lucky number for today: 38

PISCES (February 19-March 20) – Wag mong payagang maging hadlang sa iyo ang anumang takot. Kung may magawa kang mali, kailangan mo lamang itong itama. Ang importante ay mag-try ka. Lucky number for today: 11

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More