Una sa Balita

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 1, 2020

0 254

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: SUSAN BOYLE

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang masangkot sa mga isyung alam mong hindi ka mananalo. Mahihirapan ka lamang bukod sa makakadagdag ito ng stress. Kailangan mo ngayon ng kakampi at hindi ng dagdag na kaaway. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang mainggit sa tagumpay ng ibang tao. Pero gawin itong inspirasyon para maabot mo rin ang sarili mong tagumpay. Lucky number for today: 28

GEMINI (May 21-June20) – Sa araw na ito, iwasang magpaapekto sa anumang nakikita at naririnig. Umiwas muna sa social media kahit sa loob lamang ng 24 oras para makaiwas din sa tensyon. Sarili mo lamang ang nahihirapan kapag patuloy kang makikigulo. Lucky number for today: 17

CANCER (June 21-July 22) – May ilang maliliit na isyu ngayong araw na ito. Iwasang magbigay ng negatibong reaksyon. Alalahaning mataas na ang emosyon sa paligid, hindi ka na dapat makipagsabayan. Lucky number for today: 29

LEO (July 23-August 22) – Mas mae-enjoy mo ang buhay kung parelaks-relaks ka lang at hindi nagpapaapekto sa opinyo ng mga tao sa paligid mo. Tandaan kahit mali sila, may karapatan silang magpahayag ng opinyon. Lucky number for today: 23

VIRGO (August 23- September 22) – Kapag nakagawa ka ng maling desisyon ngayon, agad mo rin itong mapapagtanto. Gawin agad ang kinakailangang adjustment para maibalik ito sa tama. Lucky number for today: 15

LIBRA (September 23- October 22) – Ang bawat karanasan mo ay nakadepende pa rin sa mga choices o opsyon na pinili mo sa buhay. Kung mananatiling positibo ang iyong pananaw, mas malamang na hindi ka malihis sa iyong mga goals. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23- November 21) – Isang pangmatagalang problema ang hindi mareresolba sa isang upuan lamang. Puwede ka namang lumayo o dumistansya pansamantala at hayaan ang ibang tao na gumawa ng kinakailangang solusyon. Lucky number for today: 6

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Gusto mong lumabas at makapunta sa mga lugar na hindi mo pa napapasyalan. Pero kailangan ng tamang pagpaplano at tamang panahon para gawin ito. Wag maubusan ng pasensya. Lucky number for today: 27

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang ideya na puwedeng pagkakitaan ang ilang araw nang umiikot sa isip mo. Pag-aralan pa itong mabuti dahil maaaring hindi ito ang makakapagbigay ng solusyon sa kasalukuyan mong sitwasyon. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang lahat ay unti-unti nang nalalagay sa tamang posisyon. Gustong-gusto mo nang mag-umpisa sa isang proyektong pinaplantsa mo pero hintayin ang tamang pagkakataon dito. Lucky number for today: 40

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ka masaya sa nagiging takbo ng iyong buhay. Hindi mo na rin nagugustuhan ang isang aspeto ng iyong lifestyle. Pero kung ikaw ang pumili nito, nasa iyo rin ang paraan para baguhin ito. Lucky number for today: 5

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More