Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alamin ang mga uri ng scam ayon sa BSP

0 762

Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko at iba pang financial institutions na may tungkulin silang seguruhing hindi nagagamit ang kanilang mga produkto at serbisyo sa pangloloko at pagscam sa mga tao.

Ayon kay BSP deputy governor Chuchi Fonacier, kailangang tinutukoy ng bangko ang mga scam para malaman nila kung alin sa kanilang mga produkto at serbisyo ang magagamit dito at nang magawan agad ng solusyon.

Tinukoy ng BSP ang siyam na klase ng scam sa memorandum no. M-2020-053 na pinirmahan ni Fonacier nung June 19.

Isa rito ang advance fee fraud kung saan hihingan ang isang tao ng P1,000 na application fee para makakuha ng P11,000 loan na babayAran sa loob ng 11 buwan. Sa e-money account pinabayad ang application fee at hindi na natanggap ng tao ang P11,000. Kung hindi loan, kunwari naman ay bayad sa buwis sa napanalunang pera ang hihingin na idadaan sa money remittance service.

May romance scam kung saan ang boyfriend o girlfriend ay taga ibang bansa at hihiraman sila ng pera na idedeposito sa e-money account ng iba. Minsan nagpanggap din na magtratrabaho sa Pilipinas ang foreigner at hihingan ng pera ang tao sa pangakong dodoblehin ito pag nakakuha na ito ng sweldo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May pekeng online seller/agent raket din gamit ang airline ticket o cellphone at iba pa at nagpapadala ng pera sa deposit account o e-money account at mawawala na ang pinagbilhan kuno. May gimik pa na nanalo sila sa promo ng isang bangko gamit ang social media account at hihingan sila ng kanilang mga detalye pati na ang one-time-password.

May nagpapangggap naman na kaanak na hihingi ng tulong at nagpapadeposit ng pera sa kanilang mga account at mayroon ding investment at FX dealing scam kung sasan hihingan sila ng pera para sa investment o forex trading.

May online gaming scam din kung saan hihikayatin silang tumaya sa online game at may phishing din sa email o text. Sa phishing, magpapanggap ang isang tao na taga bangko at ipapa-update ang personal impormasyon ng biktima na gagamitin na para mamili o kuhanan ng pera.

Ang iba naman ay humihingi ng pera na idadaan sa money transfer agent para sa mga gustong magtrabaho abroad at nagdedeposit pa ang iba ng P100,000 para ma-recruit pero wala namang manning agency itong kausap.

Ang iba naman ay nagpapanggap na taga e-money issuer at magdi-direct message sa tao para hingan ng mobile number, one time password at PIN numbers para hindi ma-hold ang kanilang accounts.

Ayon kay Fonacier, kailangang maglatag ng consumer protection framework ang mga bangko at financial institutions. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.