Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alamin ang 13 Santong siyudad

0 80

Alam n’yo bang mayroong 13 siyudad sa loob ng 146 cities sa bansa ang nakapangalan sa Santo o Santa.

Nagsimula ito noon pang 1901 nang lagyan ng pangalan ng Sto. o Sta. at San ang mapipiling lugar sa bansa.

Kabilang na dito ang San Juan sa Metro Manila, San Jose sa Nueva Ecija, San Fernando at Angeles sa Pampanga, San Jose del Monte sa Bulacan, Santiago sa Isabela, San Pablo, Sta. Rosa at San Pedro sa Laguna, San Carlos sa Pangasinan at Negros Occidental, San Fernando sa La Union, at Santo Tomas sa Batangas.

Nabatid na ipinangalan ang mga bayan na ito na ngayon ay siyudad na dahil doon nakatira ang mga santo at santa.

Halimbawa nito ay ang San Juan City, na dating isa sa bayan ng Rizal province. Kilala ang San Juan sa Pinaglabanan monument na kung saan taga-San Juan si St. John the Baptist at ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing sa June 24 at naging siyudad sa administrasyon ng Pangulong Gloria Arroyo.

Ang San Jose City sa Nueva Ecija, na nakapangalan kay Saint Joseph. Naging siyudad ito sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand E. Marcos noong Aug. 4, 1969.

Related Posts

Isa sa maunlad na bayan ang Santiago sa Isabela kaya sa ilalim ng Republic Act 7720 na pirmado ni President Fidel V. Ramos noong May 5, 1994 ay naging siyudad na ito.

Noong June 18, 1960 ay ginawang siyudad ang San Carlos sa Negros Occidental province sa ilalim ng RA 2643 na pirmado ni President Carlos P. Garcia.

Naging San Jose del Monte City naman ang sa Bulacan, kasabay ng Malolos at Meycauayan mula sa approval ni President Joseph Estrada sa ilalim ng RA 8797.

Ang San Pablo City sa Laguna ay binuo ni President Manuel L. Quezon sa pamamagitan ng Commonwealth Act 520 noong May 7, 1940 na unang siyudad sa Laguna na sinundan ng Santa Rosa noong March 10, 2004 sa ilalim ni Arroyo habang ang San Pedro City ay naging siyudad noong March 27, 2013 sa RA 10420 na pirmado ni President Benigno S. Aquino III.

Ang pang 146th na siyudad da bansa ay ang Santo Tomas City sa Batangas na naging city noong 2018 sa ilalim ng RA 11086 na pirmado ni President Rodrigo R. Duterte. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.