Una sa Balita

Alalay mayaman pa sa among senador

0 808

KUNG pumorma ang isang staff, nagmumukhang mas mayaman pa siya sa among senador.

Natuklasan ni Mang Teban na walang takot daw ang staff na iparada ang kanyang mamahaling sports car sa isang event na dinaluhan ng among senador.

Ang senador pa daw ang nagmukhang alalay nang matapat ito sa tsikot ng kanyang staff.

Marami daw ang nayabangan sa staff, kulang na lang ay isumbong sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa biglang yaman ni mokong.

Bukod daw kasi sa sports car, aba’y nakabili din ng condo unit ito at ginawang tira-han ng kanyang other woman.
Pintahan niyo na. Ang alalay na mayaman pa sa among senador ay nagtatrabaho sa mambabatas na may letrang T sa pangalan as in ‘Tell it to the marines.’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy