Una sa Balita

Alak sa kasalan hinaluan ng methanol, 5 tigok

0 500

PATAY ang limang bisita sa isang kasalan sa China matapos makainom ng homemade wine na dinala ng tatay ng groom noong nakalipas na linggo.

Nasa 14 na iba pang bisita ang itinakbo naman sa pagamutan pero nasa maayos nang kalagayan sa kasalukuyan.

Nabatid na ginanap ang kasalan sa Manpan Village sa Menghai County, Yunnan, at nagsilbi ng alak na ginawa ng isang villager na nakilala lamang sa kanyang apelyido na Yan.

Kasunod nito ay nagsimula nang magsuka at mahilo ang mga bisita.
Sa pag-inspeksyon, nadiksubre na may halong methanol ang alak na mas mataas sa safety standard.

Nalaman na gumamit si Yan ng 95% industrial alcohol sa paggawa ng alak.

Isinailalim siya sa kustodiya ng pulisya dahil sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy