Una sa Balita

Alagang hayop ng staff kinursunada ng gov’t official

0 461

Nagmamantika daw ang labi ng isang opisyal ng gobyerno, pati na ang kanyang mga tauhan at iba pang bisita dahil sa bonggang handaan sa birthday ng opisyal.

Nagpakatay kasi ng baka at mga kambing ang govern­ment official para maging handa sa kanyang kaarawan noong nakaraang linggo.

Sangkatutak na papaitan, kalderetang kambing at baka ang nasa hapag kainan sa pa-birthday party ni mokong.

Ang classic dito, muk­hang hindi binayaran ng opisyal ang mga pinakatay na baka at kambing kahit na kilalang yumaman ito sa dating pinagtatrabahuan.

Sa natisod na impormasyon ni Mang Teban, nakita lang daw kasi ng opisyal ang baka at mga kambing sa compound ng kanyang opisina.

Nakursunadahan ng opisyal ang mga hayop na alaga pala ng isang empleyado, kaya’t kagyat na inutos ang pagtumba sa mga ito para maging pulutan.

Pintahan niyo na. Ang opisyal ng gobyerno na pinatumba ang mga alagang hayop ng staff ay minsan nang na-detain. May letrang N sa kanyang pangalan as in Nilagang baka.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy