Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alagad ni Quiboloy kulong sa dollar smuggling

0 195

Sinentensyahan ng 30 araw na pagkakulong at pagmumulta ng $500 ang church manager ng Kingdom of Jesus Christ ni pastor Apollo Quiboloy sa Hawaii, dahil sa umano’y pagsisinungaling ukol sa libu-libong dolyar na pinuslit sa isang suitcase.

Matatandaang noong Pebrero 13, 2018, sakay si Quiboloy ng isang private jet pabalik sa Pilipinas, ayon kay Felina Salinas, isang American citizen, ang dala niya lang ay $25,000 at P1,000 cash. Pero napag-alaman ng awtoridad na nag-inspeksiyon sa nasabing eroplano na may $335,000 at AUD $9,000 na tinago sa itim na bag doon.

Inangkin ni Salinas ang suitcase pero nadiskubre kalaunan ng awtoridad na pagmamay-ari ito ni Quiboloy.

Inaresto si Salinas isang buwan matapos mapag-alaman ang nasabing smuggled na salapi. Binabaan ang kaso niya nitong Hunyo, matapos maghain ng guilty plea sa pagsabi ng pekeng pahayag.

Samantala, hindi naman kinasuhan ang pastor kaugnay sa insidente.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.