Una sa Balita

Alaga ka ng PhilHealth: Pagseseguro sa kalusugan ng nasa Informal Sector

By
0 13

Sa tuwing ako ay napapadaaan sa may gilid ng isang bankong malapit sa aming opisina ay palagi kong nakikita ang isang mamang laging pinagkakaguluhan ng maraming tao, na karamihan ay kalalakihan at maging mga empleyado ng PhilHealth.

Siya si manong magpi-fishball na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging abala sa pagluluto ng fishball na kanyang ititinda.

Gaya ni manong magpi-fishball ay si mamang magtataho na nakapuwesto sa bungad ng Citystate Centre at pinagkakaguluhan rin ng mga tao.

Nandiyan rin si aling magpuprutas na nakapuwesto naman sa may gilid din ng isa pang bangkong malapit sa aming opisina.

Pagdungaw ko naman sa bintana ng aking opisina ay napapangiti ako sa aking sarili habang natatanaw ko si mamang magbabalot na nasa tabi ng kalsada at pasipul-sipol habang naghihintay ng kanyang mga mamimili.

Mga masisipag na mamamamayan na araw-araw na kumakayod upang maitawid-gutom ang kani-kanyang pamil­ya. Paano naman sila mabibigyan ng segurong pangkalusugan?

Ang PhilHealth ay nagmamalasakit sa mga katulad nila kung kaya’t ito ay naglaan ng isang sektor na tinatawag na Informal Economy, isang malaking sektor na bumubuo sa membership ng PhilHealth.

Masasabi kong ang sektor na ito ang isa sa pinakamalaking hamon sa PhilHealth na maiseguro dahil napakalaki ng sakop nito.

Related Posts

At isinasaad sa aming pinaka­bagong batas, ang Republic Act 10606 o ang bagong batas ng National Health Insurance Prog­ram sakop ng informal economy ng PhilHealth ang mga sumusunod:

* Migrant Workers — mga Filipino, mayroon mang legal na papel (documented) o wala (undocumented) na mayroong pinagkakakitaan sa ibang bansa. Kinakailangan lamang na hindi sila citizen sa bansa kung saan sila nagtatrabaho.

* Informal Sector — mga nagtitinda sa kalsada kagaya ng magtataho, magbabalut, magpi-fishball, nagtitinda sa talipapa at palengke, mga pedicab at tricycle drivers, small construction workers, at mga home-based industries;

* Self-earning individuals/professionals tulad ng doktor, abogado, inhinyero, artista, arkitekto, atleta, coaches, at iba pa;

* Mga Filipino na may dual citizenship;
* Naturalized Filipino Citizens;
* Mga banyagang nagtatrabaho o nakatira sa Pilipinas;
* Mga empleyadong nahiwalay sa trabaho;

* Mga indibidwal na mababa sa 21 taong gulang, ngunit hindi maaa­ring ideklarang dependent ninuman; at

* Iba pang indibidwal na hindi sakop ng ibang membership programs ng PhilHealth.

Napakadali lamang magparehistro. Punan at kumpletuhin ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) na maaaring mahingi sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth, o i-download mula sa www.philhealth.gov.ph, at isumite ito sa PhilHealth.