Una sa Balita

ALAGA KA NG PHILHEALTH: Benefits

By
0 250

Magandang araw sa lahat ng tumatangkilik sa Abante at sa mga taga­subaybay sa ating kolum.

Noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ang Buwan ng Kababaihan at bilang pahabol sa pagbi­bigay-pugay at ­pagkilala sa kanilang ­kahalagahan maging sa papel na kanilang ginagampanan sa lipunan, aking ­sasagutin ang ilang katanungan tungkol sa kanilang bene­pisyo mula sa PhilHealth. Ang mga nasabing katanungan ay nakalap ­natin mula sa aming official Facebook page.

Mula kay Leticia Enock Sitia:

Sa panganganak ko magkano sagot ng PhilHealth?

Dear Leticia,

Congratulations sa iyo Leticia!  Ako ay natutuwa dahil inaalam mo na ang benepisyong maaari mong magamit sa oras na isilang mo ang iyong sanggol.

Ang PhilHealth benefits para sa panganganak ng normal o tinatawag nating normal spontaneous deli­very ay P6,500 sa lying-in o birthing home at P5,000 naman kung sa ospital ka manganganak.

 Kasama sa paketeng ito ang hospital at professional fees (PF) ng iyong doktor.

Kung ikaw naman ay manganganak sa pamama­gitan ng Caesarean section (CS), ang benepisyo para sa CS delivery ay P19,000 kung saan ang P11,600.00 ay para sa iyong hospital bill at P7,400 para sa professional fees. Ito naman ay maaaring ma-avail sa mga ospital lamang.

Magandang balita rin dahil ang iyong sanggol ay makaka-avail ng ­PhilHealth Newborn Care Package kung saan ­laman ng nasabing pakete ang sumusunod: first dose ng Hepatitis B at BCG ­vaccines, eye ­prophylaxis, ­vitamin K ­administration, Newborn Screening Test, Newborn Hearing Test at iba pang serbisyo kabilang na ang PF ng ­doktor. Ito ay nagkakahalaga ng P1,750.00.

Ipinaaalala ko rin sa iyo at sa lahat ng ating taga­subaybay na ­siguruhing PhilHealth-accredited ang inyong doktor at ang pasi­lidad na inyong pupunta­han para magamit ang iyong benepisyo.

Mula kay Jen,

Regular po akong nagbabayad ng premium si­mula noong ako ay puma­sok sa trabaho. Manga­nga­­­nak na po ako sa June at sinabi po ng aking OB-gyne na kailangang mabigyan ng HBIG vaccine ang baby pagkapanganak sa kanya. Covered ba ito ng PhilHealth.

Dear Jen,

Magandang balita sa iyo Jen dahil maliban sa benepisyong iyong makakamtan sa panganganak ay mayroon ding PhilHealth Newborn Care Package na maaaring ma-avail ng iyong isisilang na sanggol.

Laman ng nasabing pakete ang ­sumusunod: first dose ng Hepatitis B at BCG vaccines, eye prophylaxis, vitamin K admi­nistration, Newborn Screening Test, Newborn Hearing Test at iba pang serbisyo kabilang na ang PF ng doktor. Ito ay nagkakahalaga ng P1,750.00.

Subalit ang HBIG vaccine ay hindi pa kasama sa PhilHealth Newborn Care Package, kung kaya’t ­hindi pa ito mababayaran ng PhilHealth.

Mula kay Reb Quiamco

Magkano ang ­coverage ng ovarian cyst & ­fallopian tube surgical ­removal? (Right Salpingo-Oophorec­tomy)?

Dear Reb,

Ang unilateral sal­pingo-­oophorectomy ay ang pagtatanggal ng fallo­pian tube at ng obaryo sa ­pamamagitan ng ­ope­rasyon. Kung ­parehong tatanggalin ang pares ng fallopian tubes at ovaries, ito naman ay tinatawag na bilateral salpingo-oophorectomy.

Ang PhilHealth case rates para sa unilateral o ­bilateral salpingo-oophorectomy ay P23,300.00. Ito ang halagang maaari ninyong ma-avail sa inyong operasyon ngunit siguruhin po ninyong PhilHealth accredited ang inyong doktor at pasilidad na inyong pupuntahan para magamit ang inyong benepisyo.

Maaari po kayong makipag-ugnayan sa ­aming Corporate Action Center sa (02) 441-7442 para sa iba pang impormasyon.

Mula kay Luz Mercado

Sakop ba ng PhilHeath ang nakunan at naraspa?

Dear Luz,

Ang PhilHealth bene­fits para sa raspa o tinata­wag na dilation and curettage (D&C) ay Php11,000 kung saan ang Php6,600.00 ay ibabayad ng PhilHealth para sa iyong bill sa ospital at Php4,400.00 naman ay para sa professional fees ng doktor.

Siguraduhin mo lamang na PhilHealth accre­dited ang iyong doktor at ang pasilidad na iyong ­pupuntahan para magamit mo ang iyong benepisyo.

***

Nagpapasalamat din ako sa ilang positive feedback na aming natanggap. Tunay nga pong nakata­taba ng puso ang mga mensaheng ito:

Jay Dominguez Napa­kaganda ng ­progamang ito para sa mga indigent family.

Thanks Philippine Health Insurance Corporation, napa­ka­laking tulong po ito.

Sally Bustamante: Huwag nating sayangin ito, lahat tayo magkakasakit. 10 years ko na itong pinakikinabangan pati kapamilya ko dahil (sa PhilHealth) hindi ako nagiging pabigat.

Teresa Miano Mala­king tulong talaga ito sa mga indigent beneficiaries ng PhilHealth, lalung-lalo na sa mga senior citizen… Salamat po talaga sa mga benefits na nakukuha ng mga member ninyo… God bless po.

***

Kung kayo ay may katanungan sa PhilHealth o hinggil sa paksang ito, maaari po kayong tumawag sa aming Action Center sa (02) 441-7442 (Lunes hanggang Biyernes, 8a.m.-5p.m.); mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph; o kaya naman ay mag-post ng inyong komento sa ­aming Facebook page sa www.facebook.com/philhealth at sa aming Twitter account sa @teamphilhealth.

Lagi po nating tatandaan, sa Alagang PhilHealth, kayo ang No. 1!
Dr. Israel Francis A. Pargas

OIC-Vice President for Corporate Affairs Group

PhilHealth