Una sa Balita

Alabang exit ng SLEX binuksan na

By
0 131

Binuksan na kahapon ng umaga ang Ala­bang northbound exit ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos makumpleto ang pagkukumpuni ng isang tumumbang power transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Natumba ang Biñan-Muntinlupa transmission line ng NGCP nitong naka­lipas na Abril 29 matapos maapektuhan ng sunog sa mga kalapit na kabahayan.

Linggo pa ng gabi nang maisaayos ang NGCP tower pero hindi kaagad nabuksan sa mga motorista ang SLEX-Alabang exit dahil sa mga nakahamba­lang na piraso ng crane na pinambuhat sa tore.

Ayon sa NGCP, magtatayo sila ng perimeter fence sa right-of-way clearance ng transmission line upang matiyak na hindi na muling matitirahan ito ng mga illegal settlers na sinasabing dahilan kung bakit ito nasunog.

Umapela rin ng tulong ang NGCP mula sa lokal na pamahalaan upang mabantayan ang mga residente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy