Una sa Balita

ALAB: Tsamp na ang mananalo ngayon

By
0 1

Isang walang takot na prediksiyon:  Ang mananalo ngayon (Biyernes) ang siyang tatanghaling tsamp sa PBA Philippine Cup.

Hitik sa datos ang kasaysayan ng PBA na ang makasikwat ng ika-4 na laro sa best-of-seven series ang kadalasang nakakapag-uwi ng korona.

Panalo ang San Miguel Beer sa Game 1.

Abante Hiring – IT dep

Dahil binugbog nila noon ang Barangay Ginebra San Miguel, halos inakala ng lahat na hindi na makakabangon ang Gin Kings.

Tila ganoon na nga.

Pero sa Lucena, naitakas ng Ginebra ang panalong 124-118 sa obertaym.

Bago sila manalo, itinapon muna nila ang abanteng 26 puntos.

Halos ay talo na rin sila nang lumamang ang SMB ng 110-108, .03 segundo ang nalalabi.

Pero wari’y kakambal ng Gins ang suwerte, naisingit ni Joe Devance ang panablang follow-up, 110-all.

Sa obertaym at wala na sina Marcio Lassiter at June Mar Fajardo—nagraduweyt pa si Chris Ross—sinisiw ng Gins ang Beermen sa 5-minute extension.

Narito ako sa Davao ngayon dahil kinokober ko ang PAL Interclub Golf.

Iniadbans ko ang kolum na ito kayat wala pa ang Game 3 nang sulatin ko ito.

Pero kung manalo man ang SMB noong Miyerkules, huwag magtaka.  Dahil dapat nga’y abante sila ng 2-0 kung hindi lang nalamutak ng mga reperi ang SMB First Five (3 hindi nakatapos) sa Lucena.

Kayat kapag natalo ang SMB ngayon, sana’y hindi nakulapulan ng hokuspokus.