Una sa Balita

ALAB: Salimpusa sa PAL Interclub golf

By
0 224

Umpisa na ngayon ang 70th Philippine Airlines (PAL) Interclub sa Davao City. Ito’y labanan ng mga koponan ng golf sa buong bansa.

Mga senyor muna (edad 55 pataas) ang magbabakbakan hanggang Peb 25.  Sa Marso 1-4 naman ang Men’s Regular na puwede lahat sumali, bata man o senyor.

Dumidepensang tsamp ang Canlubang sa Seniors Tournament samantalang Manila Southwoods naman ang hari sa Men’s Regular.

Lingid sa kaalaman ng marami, sa PAL Interclub nadidiskubre kadalasan ang mga susunod na pambato ng bansa sa pandaigdigang golf.

Walang pambansang astig na hindi dumaan sa PAL Interclub.  Ang ilan sa kanila’y sina Frankie Minoza, Tony Lascuna, Cassius Casas, Angelo Que at Miguel Tabuena.

Meron din isang golf event pero salimpusa sa PAL Interclub: Ang PAL Media Golf. Ginaganap ito sa tournament break ng Seniors at Men’s Regular.

Ito’y sa Peb. 27-28 at ang labanan ay sa Apo at Palos Verdes din.

Nasa halos 40 taon na ang PAL Media Golf. Mula nang mapanalunan ko ito noong 1997 sa Bacolod, wala akong mintis sa pagsali. (Salamat kay PAL Pre­sident J.J. Bautista).

Sa aking panalo noong 1997 ay katumbas ito ng 2 PAL tiket Manila-New York-Manila bilang pamprem­yo. Nasa 20 taon na pala ang nakalilipas.

Hindi na ako nanalong muli. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sa dalangin, baka swertehin.

Sana’y ngayon muli?  Miss ko na ang New York.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy